79

By

Kiefer bongga ang balik-PBA

Pasabog ang unang salang ni Kiefer Ravena sa PBA tapos ng 18-month FIBA-sanctioned suspension.

May gigil pa nga raw, ayon kay coach Yeng Guiao.

Nilatag ni Kiefer ang maagang arangkada ng NLEX, umiskor nang 12 sa first quarter lahat mula sa labas ng arc, at nagtuloy ang Road Warriors sa 123-116 panalo kontra Phoenix Pulse Sabado ng gabi, Setyembre 21, sa Smart Araneta Coliseum.

“Kiefer is a little bit too excited,” ani Guiao tapos ng buena-manong panalo sa opener din nila sa Governors Cup. “He really wanted to give a good showing and be a leader to this team, and sometimes, he needs to control that.”

Tumapos si Ravena nang 20 points, 9 rebounds, 7 assists at 3 steals. Mula sa field ay 6 of 17 ang Phenom, 4 for 10 sa long range.

‘Smart guy’ naman si Ravena, kaya madali ring kumalma nang pagsabihan.

“You tell him once or twice, it sticks and he’s able to absorb the lessons. Kiefer is going to get better,” dagdag ni Guiao.

At may mensahe ang coach sa mga kalaban kapag bumalik na ang 100% ni Ravena: “This is still not the best of Kiefer.”

Nabunutan ng tinik si Ravena tapos ipasa ang comeback game niya sapul noong Mayo 2018.

“Got that monkey off my back,” bulalas ni Kiefer pagkaraan. “I’m just happy and thankful for all the supporters who came na nanood ng live and all the people na sa bahay nanood. Para sa kanila din naman ‘to.”

Balik ang Road Warriors sa Biyernes para hamunin ang Meralco Bolts sa Big Dome rin. (VE)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?