55

By

Kiefer ayaw nang magbuwakaw

‘Di na bago kay Kiefer Ravena ang mga patutsada ng haters na buwakaw siya.

Alam na niyang marami ang naiinis sa kanyang laro. Nasa kamay niya lagi ang bola, sapul pa noong college days niya sa Ateneo.

Kilala siyang scorer.

Pero nitong PBA Governors Cup, sa una niyang conference tapos ang 18-month suspension ng FIBA, lumabas ang isa pang aspeto ng laro ng The Phenom – ball sharing.

Dalawang beses na siyang namimigay ng double figures sa assists – career-high 17 sa 113-111 overtime win ng NLEX kontra Ginebra sa Dubai, at 13 nang bangasan ng Road Warriors ang dating malinis sa pitong laro na TNT 126-113 nitong Biyernes.

“Dribble kasi ako ng dribble, eh,” pakli ni Ravena, halatang patama sa sinasabi ng kanyang bashers. “Saka buwakaw ako, eh, kaya tumataas ‘yung assists ko.”

Pinunto ni Ravena na kapag mataas ang assists nila, nananalo.

“Based on stats, ‘yung only talo namin (98-94) against San Miguel, we only had 21 assists,” anang 6-foot guard. “Every game, lagpas 25 assists. Kung titignan mo, proven stat siya na ‘pag iniikot namin ‘yung bola, mas malaki porsiyento naming manalo.”

Kontra KaTropa, namigay ng 30 assists ang Road Warriors para kolektahin ang pang-anim na panalo sa pitong laro at tumibay ang kapit sa second spot.

May 16 points pa si Kiefer nang talunin ang ama niyang si Bong Ravena.

Ano’ng masasabi ng coach ng TNT?

“I’m surprised na he’s improving on his assists. Medyo pahirap na naman ‘yan kasi ‘di lang siya scoring, at the same time he’s orchestrating and he makes his teammates better,” ani Bong. “For the opponents, mahirap din ‘yun. Kailangan mo din siyang hanapan how to stop him from orchestrating.”

Paano?

“Maybe pressure him, double-team him. We’ll see in the future.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?