38
Kids’ Choice Awards ng Nickelodeon, iho-host ni DJ Khaled
By

Kids’ Choice Awards ng Nickelodeon, iho-host ni DJ Khaled

Nakatakdang pangunahan ni music mogul DJ Khaled ang Kids’ Choice Awards 2019 ng Nickelodeon sa March 23 sa Galen Center sa Los Angeles.

Inanunsiyo ito ni Double Dare host Liza Koshy sa livestream event sa YouTube, Instagram, Facebook at Twitter ng Nickelodeon.

Nangunguna sa mga nominado ang “Avengers: Infinity War” (may 10 nominations); “Black Panther” (5 nominations); Cardi B (4 nominations) at “Hotel Transylvania 3: Summer Vacation” (4 nominations).

First-time nominees naman sina Jason Momoa, Emilia Clarke, James Corden, Noah Centineo, Bebe Rexha, Tyra Banks at “Riverdale”.

May bago ring kategorya ngayong taon kabilang na ang Favorite TV Host, Favorite TV Judges, Favorite Superhero at Favorite Gamer.

Maaari nang bumoto sa pamamagitan ng official website na, KCA2019.com.

Nominado naman para sa Nickelodeon Asia and China sa “Favorite Trending Pinoy” sina Julia Barretto, Kathryn Bernardo, Liza Soberano at Yassi Pressman.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?