85

By ,

Kevin balik haybol ni Louie bago ang operasyon sa tuhod

Muling sasalang sa operasyon si NLEX Road Warriors guard Kevin Alas ngayong Sabado matapos muling ma-injure ang kanyang kanang tuhod.

Wala pang isang taon nang huling uminda ng ACL injury ang mas batang Alas at ngayon parehong bangungot ang iniinda nito.

Ang renowned orthopedic surgeon na si Dr. Jose Paul Canlas ang magsasagawa ng nasabing operasyon.

Ayon kay Phoenix Fuel Master coach at ama ni Kevin na si Louie Alas, pansamantalang balik sa kanilang poder si Kevin bago sumalang sa operasyon.

“Inampon ko muna ulit. Siyempre family support and to keep his spirit up,” sabi ni Alas.

Sinabi din ng Phoenix mentor na hindi makakanood ang kanyang anak sa oras ang magharap ang kanilang mga tropa.

Ito sana ang unang banggaan ng mag-ama sa PBA mula nang bumalik sa hardcourt ang mas batang Alas matapos ang halos isang taong pahinga dahil sa injury.

“Ayaw munang magpakita ni Kevs. Ang dami ngang tumatawag na players and coaches, kinakamusta siya. Kaya maraming salamat din sa concern nila,” sabi ni Louie.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?