52
Ken, Rita todo kanta, sayaw sa pagtatapos ng serye
By

Ken, Rita todo kanta, sayaw sa pagtatapos ng serye

Start na ng finale week ng afternoon series na My Special Tatay na nagbunga ng BoBry (Boyet-Aubrey) love team nina Ken Chan at Rita Daniela.

Sa taping nila last week, nagkasiyahan ang young cast ng My Special Tatay at gumawa sila ng musical number.

Sabi ng director nilang si LA Madridejos, gusto raw sana nina Ken, Rita at iba pa na ‘yon ang maging ending ng kanilang afternoon series at pinagbigyan naman niya, kahit hindi naman ‘yon ang magiging ending sa Friday.

Aliw nga ang eksenang ‘yon na pinost ni Direk LA sa kanyang scoial media account.

Ang request naman ngayon ng viewers ng My Special Tatay, sana raw ay gawing special added attraction sa finale episode nila ang production number na ‘yon.

Marami nga pala ang nagtataka kung bakit kailangang tapusin ang My Special Tatay kahit na sobrang taas pa rin ng ratings nila, pero sabi ng big bosses ng Kapuso network, mas ok na raw ang ganoon kesa lumaylay naman ang takbo ng istorya ng series.

Well, may punto!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?