150
Ken Chan sobrang mami-miss si Rita Daniela
By

Ken Chan sobrang mami-miss si Rita Daniela

Sa nalalapit na pagwawakas ng “My Special Tatay”, hindi napigilan ni Ken Chan na ihayag ang nararamdaman niya sa ka-loveteam niyang si Rita Daniela.

Ibinahagi ni Ken sa kanyang Instagram ang mga mami-miss niya kay Rita na gumaganap na Aubrey sa hapon-serye ng GMA 7.

“Mamimiss ko ang kakulitan mo. Mamimiss ko ang tawa mo. Mamimiss ko ang boses mo. Mamimiss ko ang mga jokes mo. Mamimiss ko ang mga akap mo. Mamimiss ko ang mukha mo kapag antok ka o kaya kapag gutom ka. Mamimiss kita sobra,” sabi ni Ken sa caption ng larawan na nakatawa si Rita habang nakatingin siya rito.

Huling episode na umano ng “My Special Tatay” sa March 29.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?