78
Habang natutulog, konsehal binaril sa Negros Occidental
By

Kelot pinagbabaril sa Baguio

Todas ang isang negosyante matapos itumba sa pamamagitan ng baril ng hindi pa nakikilalang suspek sa KM-4, Marcos Highway, Baguio City, Lunes ng umaga.

Kinilala ng Baguio City Police Station (BCPO) ang biktima na si Samuel Lopez Mora, 58, negosyante at tubong Zambeles, ng Bakakeng Central sa nasabing siyudad.

Ayon sa BCPO, pauwi na ang biktima na sakay ng kanyang Hilux sa Bakekang Central nang bigla siyang tabihan ng dalawang suspek na naka-motorsiklo at walang sabi-sabi’u pinaulanan siya ng bala.

Nagtamo ng mga tama ng bala ng baril si Mora, sanhi ng kanyang agarang pakamatay.

Agad namang tumakas ang mga suspek gamit ang mortorsiklo sa hindi malamang direksyon pagkatapos ang pamamaril.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang 16 basyo ng bala ng baril.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?