50
arrested2
By

Kelot nanlibre sa bar nang walang pambayad

Kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos magpakagalante na magpainom ng beer at magpapulutan sa staff at mga customer ng isang KTV bar na walang pambayad, Sabado, Pebrero 9 ng gabi sa Barangay Concepcion Uno, Marikina City.

Nahaharap sa kasong estafa ang suspek na si Joey Villanueva Morante, 26-anyos, ng Marikina City at kasalukuyang nakakulong ngayon sa Marikina detention cell.

Batay sa report, naganap ang insidente bandang 9:00 Sabado ng gabi sa loob ng Aiyanna KTV Bar sa Ordoñez St. Barangay Concepcion Uno, Marikina City nang pumasok mag-isa ang suspek at umorder ng beer, sumunod naman ang ilang lalaki na sumama naman sa table ito at sabay-sabay na nag-iinuman.

Ayon kay Deseree Fenish Gimeno, 40-anyos, operator manager ng Aiyanna KTV, nang makarami na ng inom ang suspek ay naging galante na ito na nagpainom ng beer sa mga katabing mesa at maging sa mga staff ng nasabing KTV bar.

Hanggang sa umabot sa Php 35,000 ang bill at lasing na ang suspek ay wala na itong mailbas na pambayad kaya humingi na ng tulong ang mga staff sa Police Community Precinct 6 para arestuhin ang galanteng laseng.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?