65

Mar 16, 2020 @ 9:59

Kelot nagpayo sa unggoy

Sige ang bulungan habang may pinapakita sa cellphone ang isang magkaibigang tao at unggoy.


Sa una, pinagtatapik ng unggoy ang balikat ng lalaki, na pakikinggan ang himutok ng una.

Matapos ang ilang saglit, bumulong ang lalaki at ihinarap ang kanyang cellphone sa unggoy.

Napaisip nang ilang segundo ang unggoy.

Saka naman binigay ng lalaki ang kanyang touch screen na cellphone sa unggoy, na tuluy-tuloy sa pagscroll. Umusisa naman ang lalaki.

Benta sa mga netizen itong video na tinweet ni @cctvidiots, na makalipas lang ng 12 oras ay may 3.7K retweets at 9.3K likes na.

“When you give your friend dating advice (emoji: monkey face, rolling on the floor laughing),” caption ng Twitter user.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?