6,583

Kelot gustong ipa-ambush si Robredo, mga netizen nagalit

Binura man ang comment ay pinaghahanap at ini-screenshot na ng ilang mga netizen ang diumano’y komento tungkol sa pag-ambush kay Vice President Leni Robredo.

Sa Facebook Live video ni GMA journalist Tina Panganiban-Perez noong Linggo, nakasaad sa caption ang “Ambush interview with VP Leni Robredo.”

Bagama’t binura na ni Joey Lazar Enriquez ang kanyang komento ay ini-screenshot ito ng mga concerned netizen.

Sa screenshot, makikita ang pahayag ng lalaki na “Bakit ambush interview lng..hndi nyo nlng gawing totoong ambush pra tepok n”

Ayon sa Twitter page na The Silent Majority, “kailangang maturuan ng leksyon” si Enriquez kung kaya tinukoy nila ang pinagtatrabahuan ng lalaki at pinaalam ang comment.

Sa isa pang screenshot, makikita sa ngayo’y deactivated/deleted na Facebook profile ni Enriquez na “Exec. Chef” siya sa Viking. Nagtatrabaho rin umano siya sa Oakwood Premiere Ayala Center, at Crown Plaza Hotel sa Ortigas.

Kanya-kanyang paskil ng pagkagalit ang mga tagasuporta ng Bise Presidente, maging ang sikat na Pinoy Ako Blog.

Sabi naman ng isa pa, iniimbestigahan na umano ng anticybercrime group ng National Bureau of Investigation ang komento ng lalaki.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?