31
Nanaksak ng babae sa MRT, nahuli na
By

Kelot 5 beses sinaksak ang kalaguyo ng ka-live in

Timbog ang isang construction worker matapos saksakin ang ka-text mate ng kanyang live-in partner sa bayan ng Pasuquin, Ilocos Norte noong Sabado ng gabi.

Kinilala ng Pasuquin Police Station (PPS) ang suspek na si Orlando Tabay, ng Barangay Naglicuan, ng nasabing bayan.

Sa report ng PPS, nag-ugat umano ang pananaksak sa biktimang si Christian Cacal, ng Barangay Tuburan, Bacarra nang malaman ni Tabay na ka-text ito ng kaniyang live-in partner.

Gusto umanong makipagkita ng biktima sa live-in partner ng suspek kung kaya gumawa ito ng paraan upang magkita ang suspek at ang biktima.

Sa kanilang pagtatagpo, nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa hanggang bumunot ng patalim ang suspek at sinakyod ang biktima ng limang beses na agad na dinala sa pinakamalapit na ospital.

Samantala, paliwanag ng suspek, nagawa niya ito dahil sa matinding selos at higit isang taon na silang nagsasama ng kaniyang live-in partner.

Nakakulong ngayon ang suspek sa PPS detention cell at nahaharap sa kasong frustrated murder.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?