608

Mar 29, 2020 @ 21:06
By

KC sinita sa pag-tube

Very sexy si tv personality KC Concepcion suot ang kanyang tube outfit sa latest Instagram video nito na may caption na “Day 17: A little Message fr Me 2 U”

Sa video, kinamusta ni KC ang kanyang mga followers habang nakataas ang Enhanced Community Quarantine.

Ngunit isang netizen ang naninta kay KC sa kanyang suot.

Sey ni joanmoulic “You can dress up decently for the public to appreciate you”

Agad namang rumesbak ang mga taga-suporta ni KC at bumanat sa basher.

“there’s nothing wrong with her comfy clothes at bagay sa kanya” komento ni itsshereal8.

“what she wears is not important, but the message and thought counted most!” sabi rin diktcb.

Giit pa ni naja.bonana “I don’t think there’s something wrong with what she’s wearing. Change your perspective than judging someone and telling someone what’s best. Mind your own life and be happy. Just saying. Peace out.”

Sa pagtatapos ng video, pinasalamatan rin ni KC ang lahat ng mga frontliners na nagbubuwis ng buhay upang labanan ang coronavirus disease.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?