204

Feb 5, 2020 @ 22:04
By

Kaysa mapunta sa ex-wife: P50M cash sinunog ng politiko

Sinunog ng isang negosyanteng mula sa Ottawa, Canada ang $1M cash o mahigit P50 milyon para hindi ito mapasakamay ng kanyang asawa.

Ayon sa Dailymail, hinatulang makulong ng 30 araw si Bruce McConville, 55, matapos niyang aminin sa Ottawa judge ang kanyang ginawa.

Ayaw ni McConville na mapunta ang pera sa kanyang misis, bilang bahagi ng kanilang divorce settlement.

Nadismaya raw si McConville matapos siyang sabihang magbayad ng malaking halaga para sa child at spousal support kaya sinunog niya ang pera.

Hindi pinaniwalaan ni Superior Court Justice Kevin Phillips si McConville kaya pinakulong ito at sinabihang aminin kung nasaan ang pera at kung hindi ay tatagal pa siya sa kulungan at pagmumultahin ng $2,000 kada araw.

Dalawang taon na ang nakalilipas nang matalo sa pagka-mayor ng Canadian capital si McConville maging ang kanyang marriage ay nagsimula na ring masira.

Inakusahan siya ng pagbebenta ng mga ari-arian na hindi pinaalam sa kanyang misis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?