36

By

Kayo na! San Miguel namumuro sa Philippine Cup

Pagdating sa All-Filipino, isang koponan ang nangingibabaw para pagharian ang kumperensya.

At ‘yan ay walang iba kundi ang powerhouse team na San Miguel Beermen.

Apat na sunod nang nagkampeon ang SMB, simula noong 2014 ay hindi pa rin matibag ang kanilang dinastiya sa Philippine Cup.

Kaya ang lahat ng PBA Board of Governors, maging ang isa pang pangmalakasan ng liga na Ginebra ay pabor, San Miguel ang ‘team to beat’ hanggang ngayong season.

“Pangit magsalita galing samin, pero of course, San Miguel is the team to beat, Ginebra, Talk N Text, especially yung Alaska, ang Phoenix gumaganda yung nilalaro, pero ang nakakatakot kasi yung Magnolia ang all the young ones stepping up,” pakli ng Ginebra governor Alfrancis Chua.

“(But) because its All-Filipino, walang mga import, ang factor pa rin dito is si June Mar, lahat siguro ang iniisip is how to stop June Mar,” dagdag pa ng Ginebra official.

Nang umabot naman kay San Miguel Governor Robert Non ang mikropono, maging siya ay kumbinsidong ang kanyang koponan ang pinakamabangis sa parating na conference.

“I’ll pick Ginebra, Alaska, Phoenix, ‘yun ang mga makakalaban namin. Kidding aside, bilog ang bola eh. We can never tell,” ayon kay Non.

“Honestly, sa papel, malakas talaga kaya humihina ang kalaban,” pabirong sabi ng SMB official.

Unang makakalaban ng San Miguel ang Columbian Dyip sa Biyernes, ng susunod na linggo, January 18, ganap na alas-4:30 ng hapon sa Cuneta Astrodome.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?