45

By

Kayo ang palpak! Duterte pinagtanggol ang drug war

Mga walang laman ang utak ng nagsasabing failure ang kampanya kontra droga, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Katunayan aniya nagpapatuloy ito sa ibang bansa gaya ng Amerika dahil “never-ending war” ito.

“Anong palpak? Kailan naging palpak? Kayo ang palpak,” saad ng Pangulo sa exclusive interview sa CNN Philippines.

“All stupid remarks coming out from an empty head. Anong palpak? The war on drugs is a continuing one in all countries, even in America. You know that. Do not pretend. If you are not stupid, do not pretend to be stupid. Alam ninyo iyan. It is a never-ending war,” dagdag pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?