27
LizQuen type higitan ang KathNiel movie

Kaya umamin? LizQuen type higitan ang KathNiel movie

Sharing is caring!

Ano kaya ang masasabi ng ibang mga nagdududa sa pag-amin nina Liza Soberano at Enrique Gil na more than two years na ang kanilang relasyon?

Napaamin kasi ni Vice Ganda si Enrique nang mag-guest sila ni Liza sa Gandang Gabi Vice (GGV) noong Sunday. Then, si Liza naman ay nag-yes nang tanungin ni Vice kung more than two years na ba ang kanilang relasyon.

Siyempre, ang LizQuen fans, tuwang-tuwa.

Pero ang mga intrigero’t intrigera naman ay nagtataas ng kanilang mga kilay ay sinasabing obvious na may kinalaman daw sa latest movie ng LizQuen ang pag-amin na ‘yon dahil bukas na nga ang opening day sa mga sinehan ng Alone/Together movie nila.

Sabi pa ng ibang mga mahadero’t mahadera, uso raw talaga na kapag may pelikulang magsu-showing ay umaamin ang mga artista katulad daw ng ginawa nina Kathryn Bernado at Daniel Padilla nang magsu-showing na ang The How’s Of Us. Umamin nga kasi ang KathNiel na more than five years na ang relasyon nila, huh!

Sobrang kinilig nga ang mga tao sa pag-amin nina Kathryn at Daniel na mag-sweethearts na sila, kaya ang tanong ngayon, sobrang kinikilig din daw ba ang mga tao sa pag-amin nina Liza at Enrique? Maging blockbuster din kaya ang Alone/Together nila?

May iba pa na nagsasabing kaya umamin daw ang LizQuen ay dahil sobrang pressured daw ang dalawa na kumita rin nang malaki ang pelikula nila like ng movie ng KathNiel na naka-more than P900 million na, huh!

Feeling ko naman, kikita ang Alone/Together nina LizQuen basta hindi alone ang manonood ng pelikula at together sila ng kanilang love ones, ‘noh?!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?