32

By

Kaya pinapabayaang mag-coach: Chongson mas pogi – Bong Tan

Sa kauna-unahang pagkakataon, humarap na sa media ang coach sa papel ng University of the East na si Lucio ‘Bong’ Tan Jr.

Matapos ang laban ng UE kontra Adamson kung saan wagi ang una, 80-74, nilinaw nito ang setup ng coaching staff nila kung saan si Lawrence Chongson, na active consultant, ang nagtitimon sa koponan.

“Wala naman kaming dictatorship sa team,” ayon kay Tan.

Hindi na dapat umano kuwestiyunin kung si Chongson ang nagsisilbing aktibo sa pagtitimon sa UE dahil okay lang sa kanya ang manatili sa sidelines.

“Anyone can be coach here. Sa games naman, nag-eenjoy ako sa likod so di ako masyadong tumatayo,” ayon kay Tan, na vice-chairman ng Philippine Airlines at president ng Tanduay.

Matagal na rin nagsama sina Chongson at Tan, na dati nang nagsama sa Tanduay, dating team sa PBA.

“Partnership namin ito ni boss Bong Tan. Alam naman sa media ‘yan, lalo na sa sports. Almost two decades na kami magkasama,” sey ni Chongson.

Nang maitanong naman si Tan kung bakit hinahayaan niyang mag-coach si Chongson, nagbiro na lamang ito.

“Mas guwapo si Lawrence, so siya na lang ang nasa harap,” sey ni Tan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?