203

By

Kaya inipis: Duterte bastos ang bunganga – Gabriela

Muling binanatan ng Gabriela party-list si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa ‘dirty talk’ nito kay Garcia-Hernandez Mayor Tita Baja-Gallantes noong bumisita ang Pangulo sa Bohol nitong Miyerkoles.

Ayon kina Gabriela Rep. Arlene Brosas at Emi de Jesus, kanilang kinokondena ang kawalan umano ng ethics ni Duterte matapos nitong makipag-flirt sa local public official.

Saad pa ng grupo, hindi kataka-taka na kaya dumapo ang ipis sa Pangulo ay dahil sa mga nasabi nito sa campaign sortie patungkol kay Gallantes.

“Talagang dumadapo ang ipis sa basurang bulok, at malinaw na kasama sa dinadapuan nito ay ang yung may bastos at basurang bunganga gaya ng sa Pangulo,” saad ng Gabriela.

Sa speech ng Pangulo, sinabi nito na hindi niya papakawalan si Baja-Gallantes kahit pa mapunit ang ang panty nito.

“You are truly beautiful. If it were me, why would I ever break up with you? I will really grab and hold on to your panty if you try to leave, even until the garter snaps.”ayon sa Pangulo.

“Actually I’m not trying to pull your leg. But the truth is ang balita ko if I may allow to say it in public and it will not offend you, you and your husband are separated,” pakli pa ni Duterte habang inaayang magtanan si Baja-Gallantes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?