116
Kaya hindi gumagalaw: Transparency server ng Comelec, nagloko
By

Kaya hindi gumagalaw: Transparency server ng Comelec, nagloko

Dahil sa naging problema sa transparency server ng Commission on Election, naantala ang update sa mga unofficial count sa mga media site para sa eleksyon.

Sa GMA, 0.38 percent pa lamang ang nakikitang tally sa election result, huli pang na-update noong alas-6:15 ng gabi.

Sa 24 Oras, ipinaliwanag ng IT department ng Comelec na nagkaroon ng problema sa paglilipat ng election return sa mga transparency server kung saan nanggagaling ang data.

Ayon naman kay Comelec commissioner James Jimenez, kanila nang sinusolusyunan ang pangyayari.

Sa Comelec website, nasa 74.45 porsyento na ang election returns bandang alas-8:58 ng gabi, malayo sa 0.38 percent sa transparency server.(RP)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?