1,958

By

Kaya ‘di na sumipot sa burol: Marjorie madidiretso ICU sa sobrang galit – Gretchen

Isang video ang nilabas ni Gretchen Barretto kung saan makikita umano ang inis na kapatid nitong si Marjorie at pamangking si Nicole nang pumunta ang una sa burol ng kanyang tatay na si Miguel.

Ayon sa bagong Instagram post ni Gretchen, sinusubukan umanong pakalmahin ng kanilang mga kamag-anak si Marjorie.

Saad pa ni Greta na nakiki-feeling parte ng pamilya Barretto ang sinasabi niyang karelasyon ni Marjorie na si dating Caloocan Mayor Recom Echiverri.

“Watch carefully Marjorie & nicole is the one beside her.the day of the wake . Watch EX MAYOR ECHIVERRI, feeling part of the barretto family . Watch marj itch-very Fuming mad the relatives were trying to calm her from her insanity,” saad ni Gretchen.

Hindi na rin umano siya dumalo sa mga sumunod na araw buhat noong Miyerkoles dahil sa takot na madiretso sa ospital si Marjorie dahil sa sobrang galit sa kanya.

“Now you KNOW WHY I DID NOT GO TO VISIT MY DAD IN HIS LAST DAYS .( Marjorie will have an outburst in the ICU.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?