145

By

Kaya absent sa ‘Showtime’: Vice Ganda naospital

Kinumpirma ni Vice Ganda na naospital siya kaya ilang araw na hindi nakita sa “It’s Showtime”.

“Thank you very much to all the wonderful doctors, nurses and staff of TheMedicalCity for taking good care of me for 3days. Ang babait at ang aliwalas nyo. God bless you guys! Uwian na!” tweet ni Vice Ganda.

Hindi naman binanggit ng comedian ang sanhi ng pagkakaospital niya.

Samantala, sa Instagram Story ng napapabalitang boyfriend ni Vice na si Ion Perez, makikita na nasa loob ito ng tila hospital room kasama si Ryan Bang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?