29

Apr 28, 2020 @ 15:10
By

Katy Perry song panlaban ng Fil-Am sa ‘American Idol’ Top 10

Sa paghahangad na mapabilang sa Top 10 ng “American Idol,” kinanta ni Francisco Martin ang awitin ni Katy Perry, isang judge sa nasabing show.

Nitong Linggo (US time), acoustic cover ang ginawa ng Filipino-American college student sa “Teenage Dream.” Nagtanghal siya sa loob ng kanilang bahay sa California.

Puring-puri naman siya ng mga judge, maging ni Katy mismo.

“What a dice roll to do that song. Good for you because it really worked,” sey ni Perry.

Ang mga text vote ng audience ang magdidikta sa kung sino ang aabante sa sunod na round ng TV show. Malalaman ang resulta next week.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?