130

By

Kathryn, Vice top female at male celeb sa Twitter

Tinanghal sina Kathryn Bernardo at Vice Ganda na top Twitter Filipino celebrities mula January-March 2019.

Ayon sa Twitter Philippines, nanguna si Kathryn sa mga Pinay na celebrities.

Sinundan siya nina Loisa Andalio, Anne Curtis, Maymay Entrata at Sue Ramirez.

Sumunod naman kay Vice sina Juan Miguel Severo, Donny Pangilinan, Ronnie Alonte at Alden Richards.

Samantala, ang pelikulang “Alone/Together” nina Liza Soberano at Enrique Gil ang “most talked about movie” sa kaparehong panahon.

Sumunod sa “Alone/Together” ang “Ulan” nina Nadine Lustre at Carlo Aquino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?