156

By

Kathryn inayawan ang Darna

Hindi nakikita ni Kathryn Bernardo ang sarili bilang ang sikat na Pinay super heroine na si Darna.

Saad ng Kapamilya actress, gustuhin man niya ang role ay hindi ito nababagay sa kanya dahil para sa kanya, mas bagay sa mas matanda sa kanya ang pumapel bilang susunod na lulunok ng bato.

“Personally, Darna is such an iconic role. Alam mo, dream lahat ng babae siguro na maging si Darna, pero, siguro, it’s not for me kasi hindi porke’t gusto mo yung role, puwede siya sa iyo, e,” ayon kay Kathyrn.

“For me, may binabagayan siya, and yung nai-imagine, napipiktyuran ko as Darna is someone who’s a bit older than me. Someone na parang mas woman. Woman na talaga,” aniya pa.

Nang maitanong naman siya kung sino ang kanyang bet, muling lumutang ang dati nang naka-partner ni Ding na si Angel Locsin.

“Ewan ko, maybe…hindi ko alam. I don’t think it’s for me kasi sobrang bigat ng Darna. And kapag sinabi mong Darna, parang nai-imagine ko talaga ngayon si Ate Angel,” saad niya.

Inaabangan ngayon kung sino ang susunod na Pinay superhero matapos mag-back out ni Liza Soberano dahil sa natamong injury habang shino-shoot ang Bagani.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?