95

By

Kathryn game gumawa ng movie sa Kapuso

Napayakap nang mahigpit si Pambansang Bae Alden Richards kay direk Cathy Garcia-Molina dahil sa sobra-sobrang papuri sa kanya nito sa pelikula nilang “Hello, Love, Goodbye”.

Ani Garcia-Molina, hindi marunong umarte si Alden kundi magaling ito.

Sobra umanong na-move si Alden sa magagandang komento sa kanya na nagmula pa sa magaling na direktor.

Sa presscon ng pelikula nagpasalamat si Alden sa GMA Network dahil binigyan siya ng pagkakataon na gawin ang movie under Star Cinema.

Nang tanungin naman ang katambal niyang si Kathryn Bernardo kung payag din itong gumawa ng project sa Kapuso Network, why not ang sagot ng Kapamilya actress.

“Why not ‘di ba basta daanin natin sa magandang usapan,” sabi ni Kathryn.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?