70
KathDen aprub kay Boy Abunda
By

KathDen aprub kay Boy Abunda

Sa isang episode ng ‘Tonight with Boy Abunda’, nagsimula si Tito Boy sa pagsagot sa isang katanungan ng isang fan mula sa Twitter.

Tinanong siya kung anong saloobin niya sa tambalang Kathryn Bernardo at Alden Richards, at malinaw na sinagot naman ito ni Tito Boy na excited siya para sa new combinations.

Sinundan din ng tanong kung wala na ba ang KathNiel at agad namang sagot ni Tito Boy “Di naman” dahil nakita pa raw niya ang mga recent post at pagsasama ng dalawa at okay pa rin naman daw.

Huling tanong naman ay kung baka i-bash ng mga fan ng Alden-Maine Mendoza ang pagtatambal nina Kathryn at Alden, at ang sagot niya, ay lagi namang mayroong mga basher at hindi na mawawala iyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?