624

Aug 21, 2018 @ 23:48
By

Kate Valdez, agad humingi ng sorry sa mga taga-Davao

Nag-sorry agad ang Kapuso actress at co-star sa pinag-uusapang primetime series na “Onanay” na si Kate Valdez sa mga taga-Davao na alam niyang na-offend sa inilabas niyang Instagram (IG) Story sa kanyang personal at verified account na nai-post niya nu’ng Sabado, August 18.

Nabanggit kasi ni Kate sa kanyang IG Story na gusto na niyang umuwi (o bumalik ng Manila) dahil natatakot diumano siya. Nagkaroon ng misinterpretation ang kanyang post sa kanyang mga follower.

Kasama si Kate at iba pang cast ng “Onanay” at “Victor Magtanggol” na pinangunahan ni Alden Richards at iba pang Kapuso stars para sa GMA Regional TV sa selebrasyon ng 33rd Kadayawan Festival sa Davao City.

“I would like to extend my sincerest apology to those whom I’ve offended with my post yesterday. I am just bit frightened that I could not reach Manila on time. I have several duties and personal commitments to fulfil. It is not aimed to put malice or maligned any reputation.”

“Thank you so much for those who patiently waited and joined with us in our mall tour in Gaisano, we had so much fun!! Maraming salamat mga Kapuso!!”

Ang worry ng dalaga ay kung makababalik siya on time sa Manila para sa iba pa niyang commitment. Walang ibang kahulugan ang kanyang pinost. Nang sumadsad ang isang airline sa runway ng NAIA, nagka-problema ng malaki ang pag-alis at pabalik ng Maynila.

Katunayan to this date, may mga stranded pa ring pasahero sa airport.

Nonetheless, kung may mga nam-bash kay Kate, may mga nagtanggol din naman sa kanya. Ipinagpasalamat ng aktres na may mga taong umunawa at umintindi sa kanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?