495

Katawan ni Bianca, mabenta sa masa

Maraming nakaantabay sa mga bagong pasabog ni Bianca Umali sa Instagram.

Apat na araw na matapos niyang i-post ang video kung saan nagtatampisaw siya sa pool ay halos kalahating milyon na ang nakapanood dito.

May 457,000 views na ang nasabing video, kung saan kahit hindi sinasadya ay talagang nakakaakit ang kariktan ng Kapuso star.

Noong nakaraang taon ay nagsimulang magpasilip ng katawan si Bianca, na ayon sa kanya ay para lang mai-save ang mga memories kaya nagpo-post ng sexy sa IG.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?