35
malacanang
By

Katanungan sa fuel excise tax suspension sa 2nd tranche, ipinasa ng Palasyo sa mga economic manager

Ipinauubaya ng Malacañang sa mga economic managers ng gobyerno ang pagsagot sa suspension ng excise tax sa produktong petrolyo sa ikalawang tranche ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.

Kasunod ito ng pagkuwestiyon ni Senadora Grace Poe kung bakit sa ikalawang tranche sinuspinde ang excise tax sa halip na sa unang tranche dahil ngayon nararamdaman ang mataas na presyo ng langis at mga pangunahing bilihin.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na mas alam ng mga economic manager ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isasagot kung bakit ang ikalawang tranche ng TRAIN law na ipapatupad pa lamang sa susunod na taon ang sinuspinde.

 I think, that question should be addressed to our economic managers. Iyong kanilang desisyon, I think, is based on studies so we have to defer to them,” ani Panelo.

Tiniyak ng kalihim na maglalabas sila ng opisyal na dokumento kaugnay sa naging rekomendasyon ng mga economic managers ng Pangulo na isuspinde ang paniningil ng buwis sa langis sa ikalawang tranche.

Matatandaang hiniling ng ilang mambabatas na suspendihin ang implementasyon ng TRAIN law dahil naging dahilan umano ito ng pahirap sa mamamayan matapos magtaasan ang presyo ng produktong petrolyo, bigas, isda, karne at gulay sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?