171
Kasong libelo ni Gretchen Fullido vs Ces Drilon, ibinasura
By

Kasong libelo ni Gretchen Fullido vs Ces Drilon, ibinasura

Hindi kinatigan ng Quezon City Prosecutor’s Office ang kasong libelo ni ‘TV Patrol’ showbiz anchor Gretchen Fullido sa katrabaho nitong si Ces Drilon.

Ayon sa desisyon na inilabas ng QC Prosecutor’s Office na may lagda ni Assistant Prosecutor Arceli Ragsac, hindi umano paninirang-puri ang mga sinabi ni Drilon ukol kay Fullido dahil ito ay para umano ipagtanggol ang ABS-CBN.

“Respondent says that her statements in the Affidavit were made to uphold the truth and to defend the honor and reputation of her good friends, Favila and Asprec, against what she believes are unfounded allegations of sexual harassment,” ayon sa resolusyon.

“Moreover she made the statement out of the desire to protect the integrity of the News and Current Affairs Department of the ABS-CBN. It was not made to purposely besmirch or cause dishonor upon complainant,” saad pa.

Matatandaan na inireklamo ni Fullido ang dalawang TV executive na sina Cheryl Favila, ang dating supervising producer ng TV Patrol at Cheryl Favila, segment producer, ng sexual harassment dahil umano sa mga text messages na puno aniya ng mga kalaswaan.

Samantala, bilang pagtanggol noon ni Drilon ay sinabi nitong mafalas din magbiro sina kapwa TV anchor Ted Failon at Noli de Castro ng mga ‘side comment’ ukol sa katawan ni Fullido ngunit hindi naman ito sinampahan ng sexual harassment.

“Gretchen’s accusations of sexual harassment against Chair (Favila) and Maricar (Asprec) also surprised me because many times, while I worked as anchor for TV Patrol, I witnessed [anchors] Ted Failon and Noli de Castro make side comments, in between breaks on TV Patrol, about Gretchen’s body, manner of dress, or behavior that, in my opi­nion, constituted sexual harassment or at least inappropriate behavior. But Gretchen Fullido only laughed off those comments, she never complained,” ayon kay Drilon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?