59
Kaso vs 18-anyos na suspek sa pagpaslang kay Silawan, ibinasura
By

Kaso vs 18-anyos na suspek sa pagpaslang kay Silawan, ibinasura

Inirekomenda ng Lapu-Lapu City Prosecutor’s Office ang paghahain ng kasong murder laban kay Renato Llenes, 43, ang umaming killer ni Christine Lee Silawan.

Samantala, ibinasura naman ang kaso na inihain ng National Bureau of Investigation-Central Visayas laban sa 18-anyos na dating boyfriend ni Silawan dahil sa mahinang ebidensiya laban dito.

Si Silawan ang Grade 9 mula sa Maribago National High School na natagpuang patay sa isang bakanteng lote sa Barangay Bankal na bukod sa ginahasa, binalatan ang mukha at tinanggalan din ng lamanloob noong Marso 11.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?