181

By

Kaso naging rape imbes na plunder: Napoles kasama sa lalaya sana sa GCTA

Ikinadismaya ni Senate Blue Ribbon committee chairman Richard Gordon ang pagkakasama sa pangalan ni pork barrel mastermind Janet Lim-Napoles sa listahan ng mga mapapalayang bilanggo dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.

Sa TV Patrol report, ibinahagi ang listahan na hawak ng Senado ng napalayang inmate sa ilalim ng GCTA kung saan nakalista si Napoles.

Nakakulong si Napoles matapos mahatulan ng habambuhay dahil sa kasong plunder pero sa listahan ng Bureau of Corrections, nakatala na rape ang kaso ng tinaguriang pork barrel mastermind.

Ani Gordon, gusto nilang siyasatin kung mayroon na itong recommendation for release dahil maliwanag umano na may rekomendasyon na dahil nasa listahan na si Napoles.

Palaisipan din kay Gordon kung bakit pinapalitan ang mga kaso ng mga inmate na nasa listahan.

Ayon naman kay Justice Undersecretary Deo Marco, ipapasuri na nila kung bakit napasama si Napoles sa benepisyaryo ng GCTA at kung bakit rape ang kasong nakatala sa kanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?