46

By

Kaso laban sa Pinoy na inaresto sa HK protest, binawi

Hindi na itutuloy ng gobyerno ng Hong Kong ang unlawful assembly case na inihain laban sa Pilipino na hinuli sa gitna ng protesta noong Agosto.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, inatras ang kaso laban sa Pinoy sa isinagawang pagdinig sa Kowloon City Magistrates’ Court noong Nobyembre 26.

Inaresto ang Pinoy dahil sa umano’y pagsali nito sa protesta at ikinulong siya sa Hong Kong police station.

Itinanggi naman ng naturang Pinoy, na humiling na huwag nang pangalanan, na bahagi siya ng protesta dahil napadaan lang daw siya sa lugar para bumili ng pagkain.

Nagtatrabaho ang Pinoy bilang dancer sa Hong Kong Disneyland.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?