80

Mar 26, 2020 @ 15:16
By

Kaso kay Pimentel, hinahanda na

Ilang mga abogado na ang naghahanda ng mairereklamo kontra kay Senador Koko Pimentel matapos nitong labagin ang home quarantine procedure matapos magpunta sa Makati Medical Center kahit pa may nararamdamang sintomas ng COVID-19.

Ayon kay dating University of Makati dean Atty. Rico Quicho, kasama ang kanyang mga law student at associate, na kanila nang inihahanda ang reklamong isasampa kontra kay Pimentel.

“We cannot let such ineptitude into positions of power. We will rely on the full force of law — we are looking into criminal, civil, administrative charges. Not only to make him accountable, but also to set an example,” saad nito.

Aniya pa, pwedeng nilang maging testigo ang mga doktor, nurse at ilan pang nasa loob ng MMC nang pumunta doon si Pimentel.
“We owe this not only to the other MMC patients exposed, but also to the front liners who were put at risk,” aniya pa.

Kinondena ng MMC ang naging paglabag ni Pimentel sa home quarantine lalo pa’t maituturing na itong person under investigation (PUI) dahil bago magpositibo sa virus ay una nang natamaan ng COVID-19 si Senador Migz Zubiri, dagdag pa na nakaramdam siya ng sintomas.

“All he had to do was to simply stay at home. But he refused to do that. When he made the reckless decision to go to MMC, all he had to do was to declare his PUI status. He also refused to do that. It is the height of irresponsibility to hide his PUI status and mask his movement around MMC,” giit ng abogado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?