56

Jun 30, 2020 @ 20:34
By

Kasambahay pinaiyak nina Rodjun, Dianne

Nagulantang ang kasambahay nina Rodjun Cruz at Dianne Medina dahil sa ginawa ng dalawa.

Sinorpresa kasi ng mag-asawa ng cake with candle at birthday song ang kasambahay nilang si Manang Nitz noong June 29.

“We Love you Manang Nitz! Happy birthday! Successful ang Pag Surprise namin,” caption ni Rodjun sa video kung saan nagulat ang kasambahay nang biglang buksan ng aktor ang pinto ng kuwarto nito at kumanta ng “happy birthday”.

Nagpasalamat naman si Dianne sa pagluluto ni Manang Nitz para sa kanilang lahat.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?