872
P19B trust fund ng mga OFW, baka kupitan ng ilang politiko - Drilon
Nov 25, 2019 @ 11:56
By

Kasalanan ni Drilon, Congress! Phisgoc budget kulang pa ng P2.5B para sa SEAG

Sinisi ni House Speaker Alan Peter Cayetano si Senate Minority leader Franklin Drilon sa naging kapalpakan sa pag-host ng 2019 Southeast Asian Games.

Ayon kay Cayetano, na chairman ng Philippine Southeast Asian Games
Organizing Committee (PHISGOC), kulang pa sila ng P2.5 billion na kakailanganin para maging perpekto ang hosting ng Pilipinas sa SEAG.

Nireklamo din ni Cayetano ang pagka-delay ng budget na naantala noong 2019 sa termino ni dating Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.

“Nagugulat ako sa mga allegatos of corruption and inefficiency. It was
Senator Drilon na naglipat ng pondo sa PSC (Philippine Sports
Commission)…it was his proposal to take out P2.5 billion,” ayon kay Cayetano sa panayam sa mga reporter.

“Kung nagkukulang kami sa iba nating ano…we are not making excuses,
but we submitted a budget we needed we didn’t get it. Na-late pa ng
five months,” aniya pa.

Mayroong P17-billion na pondo si Cayetano at Phisgoc para sa SEA Games kasama ang P9.5 billion para sa New Clark City, P7.5 billion para sa aktuwal na hosting ng mga laro at P1.5 na dumiretso sa Phisgoc nang walang dinadaanang bidding.

“Kung nakuha namin agad…2019 inaprub ang budget sa BCDA so on-time,
lahat nang nasa Clark one-month ahead, kaya nagagamit na,” ayon kay Cayetano.

Nahihirapan din aniya si PSC chairman Butch Ramirez para balansehin ang mga pondo para sa SEA Games.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?