77

By

Kasalanan ni coach: Lifter Ando silver lang!

Nagkaroon ng lapse sa corner ni weightlifter Elreen Ando at nakawala ang pangalawa sanang gold ng Pilipinas sa sport pagkatapos ng golden lift ni Hidilyn Diaz sa 55kg category noong Day 2.

Sa Ninoy Aquino Stadium nitong Martes, hindi naabisuhan ng kanyang corner si Ando na 2 minutes lang ang binibigay na span sa pagitan ng lifts.

Resulta ay binigyan siya ng “no lift” sa third at final attempt niya sana sa 120 kilos sa clean and jerk. Kung nakumpleto, gold din sana si Ando.

Ninakaw tuloy ni Pham Thi Hong Thanh ng Vietnam ang gold sa 124 at 214 total lift.

Kasama ang 98kgs sa snatch, nabigyan lang si Ando ng 115kgs sa clean and jerk at nagkasya sa silver sa 213.

First timer sa SEA Games ang 24-anyos na si Ando.

Nung tumunog ang buzzer na out of time na siya, sinusukat pa lang ni Ando ang kanyang grip sa bar.

Blangko ang tingin niya habang bumababa ng stage, maya-maya ay umiyak na.

Pati si Hidilyn na nasa audience, naiyak din.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?