523
Kasal nina Zsa Zsa at Dolpy sinabotahe ng dating mister?
By

Kasal nina Zsa Zsa at Dolpy sinabotahe ng dating mister?

Pinawalang-bisa na ang pekeng kasal ni Zsa Zsa Padilla sa isang Japanese.

Ito’y matapos kuwestiyonin sa korte ni Zsa Zsa ang naturang kasal na peke umano dahil kailanman ay hindi niya nakita ang Japanese na si Shigemi Nabehigashi.

Nadiskubre niya ang naturang kasal nang kumuha siya ng certificate of no marriage para sa kasal nila ng boyfriend na si Conrad Onglao taong 2016.

Batay sa report ng PEP, isiniwalat ni Zsa Zsa sa resolution ng Makati Regional Trial Court na ang kanyang pekeng kasal sa isang Nabehigashi ay kagagawan umano ng dati nitong asawa na si Modesto Tatlonghari para hindi siya maikasal kay Rodolfo Vera Quizon Sr., o mas kilalang si Dolpy.

“Petitioner speculated that her former husband Modesto orchestrated this sham marriage to prevent her from marrying Rodolfo whom she was planning to wed at the time,” saad sa resolusyon.

Hindi naikasal sina Zsa Zsa at Dolphy mula 1989 hanggang sa pumanaw ang Comedy King noong 2012.

Na-annul umano ang kasal ni Zsa Zsa kay Modesto noong August 6, 2003 at naging final noong December 3, 2004, ayon pa sa PEP.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?