5,186

Feb 21, 2020 @ 13:48
By

Kasal kay Sarah, sinumbong kay Mommy Divine! Matteo sinuntok ang bodyguard

Ang tahimik na kasalan nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo ay nauwi sa sapakan.

Ito’y matapos magreklamo si Jerry Tamara, isang close-in security ni Sarah, na siya’y sinuntok ni Matteo sa kalagitnaan ng civil wedding sa isang hotel sa Bonifacio Global City.

Ayon kay Tamara, bandang alas-11 ng gabi umano nangyari ang insidente nang suntukin siya ni Matteo sa bandang lalamunan.

Ito’y matapos na dumating umano ang nanay ni Sarah na si Divine sa wedding ceremony, at nalaman ni Matteo na ang bodyguard ang nagsabi dito.

Matagal nang may mga balita na hindi aprubado ang relasyon nina Matteo at ni Sarah ni Mommy Divine kahit pa noong 2014 pa sila naging mag-on, na posibleng dahilan kaya hindi pinaalam dito ang kasalan.

Ang nasabing insidente ay kinumpirma ng Taguig police base sa reklamo ni Tamara.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?