25
baril
By

Karpintero pinaalmusal ng bala sa Laguna

Hindi na natapos ng isang karpintero ang kanyang pag-aalmusal at agad na nasawi matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang salarin sa San Pablo City, Laguna nitong Linggo ng umaga.

Nagtamo ang biktimang si Edison Martinez, 45 anyos, ng mga tama sa ulo at katawan at nasawi bago pa man mairating sa Panlalawigang Pagamutan ng Laguna.

Batay sa report ng San Pablo City police, nakaupo at kumakain sa loob ng kanilang canteen sa Barangay San Jose ang biktima nang pumasok ang suspek, alas-7:30 ng umaga.

Walang sabi-sabi’y bunot ito ng maiksing baril at malapitang binaril ang hindi na nakatayong biktima.

Agad din itong tumakas matapos ang pamamaril.

Inaalam pa ng pulisya kung ang krimen ay may kaugnayan sa kasong murder na kinakaharap ni Martinez, na isinasangkot sa pagkamatay ng isang Medel Ulan noong Enero

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?