229

By

Karma’s a bitch! Ex ni James Reid nagparinig sa hiwalayang JaDine

Matunog na naman online ang ngalan ni Ericka Villongco matapos paringgan ang ex-boyfriend nitong si James Reid, sa kasagsagan ng break-up confirmation ng huli kay Nadine Lustre.

Si Ericka ang isa sa singing duo “Krissy & Ericka,” at ang dyowa ni James bago maging real-life couple ang celebrity loveteam “JaDine.”

Sa kanyang Instagram story ngayong Martes, Enero 21, kinwento nitong maraming nanghihingi ng kanyang opinyon sa umano’y pangangaliwa ni James at sa kumpirmasyon ng hiwalayan.

Nilakipan ang kanyang story ng larawan ni Kylie Jenner, at maging ng mga katagang “god spared me,” “karma’s a bitch,” at “LOL.”

Agad namang kumuha ng resibo ang matitinik na netizen.

Ilang saglit lang ang nakalipas at binura na ni Ericka ang kanyang story, na tinawag niyang “bad joke,” kasabay ng paghingi ng tawad dahil sa pagiging “impulsive Aries” niya.

“this rlly isnt any of my business & it is never ok to be mean to ppl,” wika pa ng singer sa hiwalay na IG story.

Nang ilabas kagabi, Enero 20, sa “Tonight with Boy Abunda” ang joint statement, sinabi nina Nadine at James na kaya sila naghiwalay ay upang pagtuunan ng pansin ang kanilang mga career at personal growth gayong bata pa sila.

Gayunman, mas pinaniwalaan ng maraming netizen ang viral video ng umano’y pangangaliwa ni James–kasama umano si model-artist Issa Pressman–sa Digistar PH party sa Aqua Boracay sa Aklan noong Disyembre 2019.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?