26

May 22, 2020 @ 15:24
By

Karl Malone bitter pa rin kay Michael Jordan

Si Karl Malone ay isa sa maituturing na best scoring big man ng liga, dalawang beses nang abot kamay ang NBA championship ngunit nahadlangan dahil sa tinuturing na GOAT ng NBA.

Unang nagtaka ang mga fan dahil tanging si John Stockton lang sa Utah Jazz ang nagpakita sa ESPN documentary na ‘The Last Dance’.

Matapos ang serye ay dito binunyag ni Jason Hehir, ang director ng sports documentary, na umayaw si Malone sa interview kasama na ang parte din ng Utah na si Bryon Russell.

Ang dalawang manlalaro ang masasabing hiniya ni Jordan para masungkit ang kanyang ika-6 at huling kampeonato sa NBA bago ito magretiro noong 1998.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?