285

Apr 8, 2020 @ 18:18
By

Karibalang Marian, Karylle nabuhay sa socmed

Muling naintriga sina Marian Rivera at Karylle dahil sa lumang video ng huli habang inaawit ang Tagalog version ng “Irreplaceable” ni Beyonce.

Nag-umpisa ito sa tanong ni @AltABSCBN sa mga netizen ng mga “most memorable Philippine showbiz eksena?”

Trending ang mga pangalan ni Marian, na asawa ni Dingdong Dantes, at Karylle, na ex-girlfriend naman ng aktor.

Naungkat kasi ang isyung umano’y pangangaliwa ni Dingdong kay Karylle para kay Marian.

Ito’y dahil sa mga linya ng Tagalog version ng “Irreplaceable” na kinanta ni Karylle habang “Unfaithful” (Rihanna) naman kay Marian, na pinagkonek ng mga netizen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?