717

Jan 19, 2019 @ 11:52
By

GF ng yumaong Razorback drummer, iwas sa suicide video

Sumamo ang karelasyon ng Razorback Drummer Brian Velasco na si Portia Carlos sa mga nagshe-share ng video o kahit na anong screenshot ng pagpapakamatay ng kasintahan.

Ayon sa kanya, lahat ng malapit sa drummer ay hindi pa nakikita ang video at kahit kailanma’y hindi niya ito gugustuhing makita.

Inamin ni Portia na hindi pa siya handang makita ang kahit na anong litrato ni Brian kahit na isa pa itong tribute sa yumao.

Ibinahagi rin ni Portia ang plano nila ng kasintahan na magsama hanggang tumanda.

Matatandaang nag-trending ang pagkamatay ni Brian dahil sa live video nito sa Facebook na si Brian mismo ang kumuha habang nagpapakamatay.

Razorback drummer nagpakamatay habang naka-FB live

(Sarah Rivere)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?