215
Karateka Aviles, Tsai, iba pa sisipa sa World Karate C’ships
By

Karateka Aviles, Tsai, iba pa sisipa sa World Karate C’ships

Matagumpay na itinanghal ang IKO National Selection Karate Tournament ng Kyokushin Kaikan Philippines nitong Sabado, Hunyo 8, sa City Mall Anabu, Imus, Cavite.

Dinagsa ng mahigit sa 150 fighters ang okasyon mula sa Cotobato, Olongapo, Zambales, San Juan, Pasig, Rizal, Pasay, Las Piñas at Cavite.

Ang kumpetisyon ay instrumento ng grupo na upang masala ng mabuti ang best of the best fighter na kanilang isasabak sa mga nakalatag nitong international tournaments.

Kabilang na dito ang lalahukang 12th World Karate Championship sa Tokyo, Japan na nakatakda sa Nobyembre 22-24 at isang mala-Olympic tournament sa New York, USA sa susunod na taon.

Ang mapapalad na fighters na napili na sasabak sa Japan ay sina Kim Aviles, Jr., Emmanuel Tsai, Karen Arquilez, Joy Estor, Vanesa Magadan, Shanel Vetero at Lancelot Mungcal.

“We don’t fight for the money, we fight for prestige and honor. Our organization wish to pay for the ticket of the fighters who will compete internationally. Eventually in the future we hope to give educational scholarship as prize for this kind of competition,” saad ni IKO Philippines chief Victor Canon

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?