65
Karamihan ng Pinoy, masaya sa kanilang buhay - SWS
By

Karamihan ng Pinoy, masaya sa kanilang buhay – SWS

Siyam sa bawat 10 Pilipino ang nagsabing masaya sila sa kanilang mga buhay.

Batay sa isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS), bagama’t 87 porsiyento ang nagsabi masaya sila noong 2018, mas mababa ito sa naitalang 94% noong 2017.

Samantala, lumabas din na 82% ang kuntento sa kanilang buhay habang 18% lang ang hindi kuntento sa 1,440 respondents.

Disyembre 2018 isinagawa ang survey sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?