441
Karamihan ng mga Pinoy, masaya sa trabaho ng Duterte admin - SWS
By

Karamihan ng mga Pinoy, masaya sa trabaho ng Duterte admin – SWS

Nadagdagan ang net satisfaction rating ng administrasyong Duterte, batay sa resulta ng December survey ng Social Weather Stations (SWS).

Lumabas na 76 porsiyento ng mga Pinoy ang nasisiyahan sa performance ng administrasyon habang siyam na porsiyento lang ang “dissatisfied” habang 15% ang undecided.

Mataas ito ng 16 puntos kung ikukumpara sa +50 net satisfaction rating ng administrasyon noong September 2018 SWS poll.

Isinagawa ang survey mula Disyembre 16-19, 2018 sa may 1,440 adults nationwide.

Kabilang umano sa nakapagtalang “excellent” ang administrasyon pagdating sa pagpo-promote sa karapatan ng mga kababaihan at pagtatayo ng mga gusali.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?