255

By

Kara David namaalam sa kaniyang mommy Karina

Malugod na tinanggap ni broadcast journalist Kara David ang pagpanaw ng kaniyang inang si dating Civil Service Commission chairperson Karina David.

Sa Facebook post, pinasalamatan ng journalist ang kaniyang ina sa pagiging inspirasyon nito.

“Paalam mommy, mahal na mahal kita. Salamat po sa inspirasyon, sa tapang, sa mga mahahalagang turo at higit sa lahat sa pagmamahal sa pamilya at sa bayan. Sorry po sa aking mga naging pagkukulang. Mahal na mahal kita. Panginoon, Kayo na po ang bahala kay Mama,” sabi ni Kara.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?