247

By

Kapit Arjo! Maine bet ng ex-PBA import

“Someone tell Maine Mendoza im looking for her.”

‘Yan ang naging tweet ng dating import ng San Miguel at PBA champion na si Chris McCullough.

Tila tumatak ang ganda ni Maine sa Amerikanong player dahil kahit wala na ito sa ‘Pinas ay hinahanap-hanap pa rin ang aktres.

Lakas-loob ding sinabi ni McCullough na kanyang crush si Maine, na bida sa upcoming movie na’ Isa Pa With Feelings’ kasama si Carlo Aquino.

Si Maine ay girlfriend ng magaling na aktor na si Arjo Atayde.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?