38

Kapatid ni Meghan Markle arestado sa pagmamaneho nang lasing

Nahaharap sa kasong drunken-driving ang half-brother ni Duchess of Sussex Meghan Markle matapos itong dakipin dahil sa pagmamaneho nang lasing sa Oregon.

Ayon sa report, halatang nakainom si Thomas Wayne Markle Jr., nang parahin ito noong Biyernes ng madaling-araw sa Josephine County.

Nasa 0.11 percent umano ang blood-alcohol content ni Thomas, na lagpas sa legal limit na 0.08 percent.

Dinala na siya sa detox center. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?